Ang pinaka-aasam na kuwento tungkol sa dakilang pamumuhay ng ating Panginoong Jesucristo, ay hinango mula sa napakalaking ginawa ni Maria Valtorta, ang “The Poem of the Man-God.”
Si Maria Valtorta, isang dalagang Italiana na namatay noong 1961, ay napakarelihiyosa. Nang siya ay 23 anyos, may isang salbaheng bata na armado ng isang mabigat na bakal ang pumalo nang buong lakas sa kanyang likod. Si Maria ay nakaligtas sa pagtatangkang ito, para sa isang pakay.
Sa bandang huli siya ay naging inbalido at sa huling dalawampu’t-walong taon ng kanyang buhay siya ay namuhay na isang nakaratay sa higaan. Ang relihiyosang si Maria ay nagkaroon ng pribilehiyo na makita ang higit pa sa ordinaryong mga bisyon tungkol sa dakilang pamumuhay sa lupa ng ating Panginoong Jesucristo at ng Kanyang Kabanalbanalang Ina. Isinulat niya kung ano ang kanyang nakita, kung ano ang kanyang naranasan, na ayon sa kanyang pagsasalarawan, siya ay pinagbigyan nang lubos upang siya ay mismong aktuwal na naroroon, kung saan ang lahat ay nangyayari.
Nakaupo sa kanyang kama na may tablang nakapatong sa kanyang mga tuhod, upang magsilbing patungan sa pagsusulat, isinulat niya sa mga notebook ang lahat, pati na ang mga idinikta nina Jesus at Maria na mga kapaliwanagan ng bawat bisyon pagkaraan nang ito ay maranasan niya. Si Maria Valtorta ay nakaipon ng 15,000 na pahina sa sulat-kamay.
Ang aklat, “The Poem of the Man-God” ay naka-apekto nang labis sa lahat na nakapagbasa nito, kasama na ang editoryal na mga kawani ng GLOW. Ang mga pagsasalarawan ni Maria ay totoong gawa ng inspirasyon at ibinabahagi niya sa atin ang pamumuhay ng Banal na Pamilya sa nakagugulat na mga detalye.
“Mapatutunayan ko,” isa sa mga mababasa tungkol sa deklarasyon ni Maria Valtorta, “na ako ay walang pantaong pinagkunan ng mga impormasyon upang malaman ko ang aking isinusulat at ang madalas na hindi ko maintindihan habang akin itong isinusulat.” Ang lubos na inspiradong gawang ito na hindi niya inaangking kanyang likha, ay tiyak na mahihipo ang sino mang makabasa nito.
Ang pamumuhay ng ating Panginoon ayon sa matayog na pagsasalarawan ng gawang ito, ay madadala ang lahat na munting mga kaluluwa sa mas dakilang pagninilay-nilay […..] Makikita ng lahat kung papaano ang birtud ng pagiging maliit nakapagpuno sa buhay nina Maria at Jose, ni Jesus, ng debotong mga Pastol, at ng dakilang mga Apostol.
Ang “The Poem of the Man-God” ay nasasakop ang tungkol sa kapanganakan at kabataan ng Birheng Maria hanggang sa Siya ay iniakyat sa Langit. Pinangalanang pansamantala (sa wikang Tagalog) na: “Ang Ebanghelyo ng Ating Panginoong Jesucristo ayon sa Paghahayag kay Munting Juan”, ang gawang ito pagkaraan ay napunta sa kasalukuyang titulo, “The Poem of the Man-God”.
Gayunpaman, ito ay isang ‘Ebanghelyo’ na hindi pinapalitan o binabago ang Ebanghelyo; bagkus isinasalaysay, hinuhusto at ipinaliliwanag ang Ebanghelyo, na may ipinahahayag na layunin na mapanibago sa puso ng mga tao ang pag-ibig kay Kristo at sa Kanyang Inang si Maria.
At ito ay “inihayag” kay Maria Valtorta, na tinawag na “Munting Juan”. Juan, upang mailagay siyang malapit sa Ebanghelista na siyang paboritong disipulo. Munti, gawa ng pagbatay ng kanyang gawa, bagama't napakalawak, sa gawa ng mga Ebanghelista na, sa maiikling panunulat, ay binanggit nila kung ano lamang ang esensiyal.
Si Jesus ay nakapagsabi kay Maria, “Gaano ka magiging lubos na masaya kapag mabatid mo na ikaw ay nasa Aking daigdig sa habang panahon, at na ikaw ay nakarating doon mula sa mamiserableng daigdig nang hindi mo man lamang nalaman ang pagtawid mula sa isang bisyon patungo sa katotohanan, katulad ng isang bata na napananaginipan ang kanyang ina at siya’y nagising nakikitang siya ay yakap-yakap ng kanyang ina. Ganyan Ako haharap sa iyo.”