6. Ang Puripikasyon ni Anna at ang Pag-aalay kay Maria.
Agosto 28, 1944.
¹Sa Herusalem nakikita ko si Joachim at si Anna, kasama si Zachariah at si
Elizabeth, lumalabas mula sa isang bahay, na maaaring pag-aari ng mga
kaibigan o mga kamag-anak, at ang kanilang paglakad ay patungo sa Templo
para sa seremonya ng Puripikasyon.
Si Anna ay karga ang Sanggol, ganap na nakabalot sa mga lampin, hindi,
bagkus, ganap na balót ng magaang delana, na, bagama’t, ay maaaring malambot
at mainit. Imposibleng ipaliwanag kung gaano kaingat at mapagmahal na
kanyang kinakarga at tinitingnan ang kanyang maliit na anak, inaangat ang
gilid ng pinong mainit na tela upang tingnan kung si Maria ay humihinga nang
maluwag, pagkatapos kanyang aayusin ulit ito upang maprotektahan Siya laban
sa nangangagat na hangin ng isang maliwanag ngunit malamig na araw ng
taglamig.
Si Elizabeth ay may hawak na ilang balutan sa kanyang mga kamay. Si Joachim
ay may hinihila sa pamamagitan ng isang lubid dalawang malalaki at
napakaputing mga kordero, na ngayon ay mas nakakatulad na ng lalaking mga
tupa. Si Zachariah ay walang bitbit sa kanyang mga kamay. Siya ay magandang
lalaki sa kanyang linen na damit, na makikita sa ilalim ng isang maputing
makapal na delanang manta. Si Zachariah, mas bata kaysa sa isang nakita na
sa kapanganakan kay Juan Bautista, ay nasa kanyang ganap na pagkalalaki,
katulad na si Elizabeth ay isang magulang nang babae, ngunit sariwa pa sa
kanyang hitsura: at siya ay yumuyuko sa labis na kasiyahan sa munting
natutulog na mukha, sa tuwing tinitingnan ni Anna ang Sanggol. Nagmumukha
rin siyang maganda sa kanyang asul halos maitim na biyoletang damit at sa
loob ng kanyang belo na nagtatakip sa kanyang ulo at pagkatapos babagsak sa
kanyang mga balikat, at sa kanyang manta na mas maitim kaysa sa kanyang
damit.
Ngunit sina Joachim at Anna ay tiyak na solemne sa kanilang pinakamagandang
mga damit. Sa hindi inaasahan, hindi suot ni Joachim ang kanyang madilim na
kulay kapeng tunika. Sa halip suot niya ang isang mahabang damit na
pulang-pula, na atin na ngayong tinatawag na
St. Joseph red, at ang mga
palawit na nakakabit sa kanyang manta ay bago at magaganda. Siya rin ay may
suot na isang klaseng rektanggulong belo sa kanyang ulo at ito ay
nahahawakan ng isang balat na paha. Ang lahat ay bago at may pinakamagandang
kalidad.
Si Anna, o! hindi siya nakasuot ng madidilim na damit sa araw na ito! Ang
kanyang damit ay napakalabnaw na dilaw, halos ang kulay ng isang lumang
garing, natatalian sa kanyang baywang, leeg at mga pupulsuhan sa pamamagitan
ng isang malaking sinturon na tila pilak at ginto. Ang kanyang ulo ay
natatakpan ng isang napakagaan na damaskong belo, nahahawakan sa kanyang noo
sa pamamagitan ng isang manipis ngunit mamahaling plaka. Siya ay may isang
piligrinang kuwintas sa kanyang leeg at mga pulseras sa kanyang mga
pupulsuhan. Katulad niya ang isang reyna, at dahil din sa dignidad ng
kanyang pagdadala ng damit, at lalo na ng kanyang kapa, na isang malabnaw na
dilaw ang kulay na ang laylayan may Griyegong palawit na maganda ang
pagkaburda sa gayon ding kulay.
«Kamukhang-kamukha mo ang sarili mo noong ikaw ay ikinasal. Ako ay mas
matanda lamang nang kaunti sa isang bata, noon, ngunit naaalaala ko pa kung
gaano ka kaganda at kasaya noon» sabi ni Elizabeth.
«Ngunit ngayon ako ay mas lalo na… at nagpasya akong isuot ang dating damit
para sa ritwal na ito. Itinago ko ito para rito… at hindi na ako umaasa noon
na masusuot ko pa ito para rito.»
²«Ikaw ay labis na minahal ng Diyos…» sabi ni Elizabeth
nagbubuntung-hininga.
«Iyan kung bakit ibinibigay ko sa Kanya ang bagay na mahal-na-mahal ko. Ang
bulaklak kong ito.»
«Papaano mo pupunitin iyan sa puso mo kapag dumating na ang oras?»
«Inaalaala na ako ay wala nito at na ang Diyos ang nagbigay nito sa akin.
Ako ay lagi nang mas masaya ngayon kaysa noon. Kapag malalaman ko na Siya ay
nasa Templo sasabihin ko sa aking sarili: “Siya ay nagdarasal malapit sa
Tabernakulo, nananalangin Siya sa Diyos ng Israel para din sa Kanyang nanay”
at magkakaroon na ako ng kapayapaan. At mas malaking kapayapaan sa
pagsasabing: ”Siya ay pag-aari Niyang ganap. Kapag ang dalawang matanda
ngunit masayang mga magulang na tumanggap sa Kanya mula sa Langit, ay wala
na, Siya, ang Eternal, ay magiging Kanya pa ring Ama”. Maniwala sa akin,
ako’y kumbinsidung-kumbinsido, na ang maliit na nilikhang ito ay hindi amin.
Ako ay wala nang magawa pang iba… Inilagay Niya Siya sa aking sinapupunan,
isang dibinong regalo upang maalis ang aking mga luha at magkatotoo ang
aming mga inaasahan at aming mga panalangin. Iyan kung bakit Siya pag-aari
Niya. Kami ang masasayang mga tagapag-alaga… at Siya ay pagpalain sana para
rito!»
³Narating na nila ngayon ang mga pader ng Templo.
«Habang kayo ay patungo sa Nicanor Gate, lalakad ako at sasabihan ko
ang pari. Pagkatapos ako ay doon na rin pupunta » sabi ni Zachariah. At siya
ay nawala sa likuran ng isang arko na magdadala sa isa sa isang malaking
bakuran napalilibutan ng mga portiko.
Ang grupo ay nagpapatuloy sa tabi ng mga sumusunod na terasa. Hindi ko
malaman kung nasabi ko ito noon: ang bakurang-pader ng Templo ay wala sa
pantay na lupa bagkus ito ay pataas nang pataas sa pamamagitan ng
magkakasunod na mga terasa. Ang bawat terasa ay mararating sa pamamagitan ng
mga baytang at sa bawat terasa may mga bakuran at mga portiko at magagandang
portal na gawa sa marmol, tanso at ginto.
Bago narating ang kanilang destinasyon sila ay tumigil upang ilabas ang mga
laman ng mga balutan: mga keyk, sa palagay ko, na malalapad at patag at
napaka-mamantika, ilang harina, dalawang kalapati sa loob ng isang tingting
na hawla at ilang malalaking pilak na salapi: ang mga ito ay mabibigat
ngunit mabuti na lang walang mga bulsa ang mga damit noong mga araw na iyon.
Bubutasin nito ang mga damit.
Naririto ang magandang Nicanor Gate, lahat sininsel sa mabigat na
tansong pilak na plantsa. Si Zachariah ay naroroon na sa tabi ng isang
maringal na pari nakasuot ng linen.
Si Anna ay winisikan ng sa akala ko ay pagdadalisay na tubig at pagkatapos
sinabihan na pumunta sa altar ng sakripisyo. Ang Sanggol ay wala na sa
kanya. Si Elizabeth, na tumigil sa tabing ito ng Gate, ang may-hawak
sa Kanya.
Si Joachim, sa halip, ang pumapasok sa likuran ng kanyang asawa, hila-hila
ang kaawa-awang nag-iingay na kordero. At ako… ginawa ko ang eksaktong
ginawa ko noong Puripikasyon ni Maria: isinara ko ang aking mga mata upang
hindi makita ang pagkatay.
Ngayon si Anna ay napadalisay na.
⁴Si Zachariah ay bumulong ng kung ano sa kanyang kasama, na tumatangong
ngumingiti. Pagkatapos nilapitan niya ang grupo na nagkasama-sama nang muli
at habang binabati ang ina at ama sa kanilang lugod at sa kanilang katapatan
sa mga pangako, ibinigay sa kanya ang ikalawang kordero, ang harina at ang
mga keyk.
«Kung gayon ang anak na ito ay sagrado sa Panginoon? Harinawang ang Kanyang
pagpapalà ay mapasa-Kanya at sa inyo. Naririto si Anna parating. Siya ang
magiging isa sa Kanyang mga tagapagturo. Si Anna ni Phanuel ng tribung
Asher. Halika rito, babae. Ang maliit na isang ito ay inaalay sa Templo
bilang isang biktima ng papuri. Ikaw ang magiging Kanyang tagapagturo at
Siya ay lálaking banal sa ilalim ng iyong paggabay.»
Si Anna, ganap nang ubanin, ay hinahaplos ang Sanggol, Na nagising na at
nakatingin sa pamamagitan ng Kanyang inosente at nasorpresang mga mata sa
lahat na maputi at ginto na pinakikinang ng araw.
Ang seremonya ay maaaring tapos na. Wala akong nakitang kahit na anong
espesyal na ritwal sa pag-aalay kay Maria. Baka sapat na ang masabihan ang
pari, at higit sa lahat ang Diyos, sa sagradong lugar.
⁵«Ibig kong ibigay ang alay sa Templo at pumunta roon kung saan ko nakita
ang liwanag noong nakaraang taon.»
Sila ay pumunta sinasamahan ni Anna ni Phanuel. Hindi nila pinasok ang
aktuwal na Templo; sa dahilan na sila ay mga babae at ganito rin ang kaso
para sa isang maliit na batang babae, mauunawaan na hindi sila makapupunta
kahit sa lugar kung saan si Maria pumunta noon upang ialay ang Kanyang Anak.
Ngunit napakalapit sa nakabukas na pintuan, nakatingin sila sa medyo madilim
na looban mula kung saan maririnig ang magigiliw na awit ng mga batang babae
at kung saan ang mamahaling mga lampara ay nagliliwanag at nagkakalat ng
ginintuang liwanag sa dalawang lote¹ ng mga bulaklak na may belo ang mga
ulo: dalawang tunay na mga lote ng mga liryo.
«Sa loob ng tatlong taon Ikaw ay mapupunta rin diyan, aking Liryo»
nangangako si Anna kay Maria, Na nagmumukhang naaakit ng looban ng lugar at
ngumingiti sa mabagal na awit.
«Masasabi mo, na nakakaintindi Siya» sabi ni Anna ni Phanuel. «Siya ay
magandang bata! Siya ay magiging mahal sa akin na tila Siya ay sarili kong
anak. Nangangako ako sa iyo, ina. Kung ako ay pagkakalooban na maging
ganyan.»
«Pagkakalooban ka, babae» sabi ni Zachariah. «Tatanggapin mo Siya kabilang
ng sagradong mga batang babae. Mapupunta rin ako diyan. Ibig kong naroroon
ako upang masabi sa Kanya na magdasal para sa amin sa unang-unang sandali…»
at kanyang tinitingnan ang kanyang asawa na nakakaintindi at
nagbubuntung-hininga.
Ang seremonya ay tapos na at si Anna ni Phanuel ay umalis, habang umaalis
ang iba sa Templo naguusap-usap.
Narinig ko si Joachim nagsabi: «Hindi lamang dalawang kordero at
pinakamaganda, bagkus maibibigay ko ang lahat ng aking mga tupa para sa
lugod na ito at mapapurihan ang Diyos!»
Wala na akong makitang iba pa.
Sinasabi ni Jesus:
«Si Solomon sa kanyang Karunungan ay nagsasabi: “Sinuman ang isang bata,
gawin siyang lumapit sa Akin”. At talagang mula sa muog, mula sa mga pader
ng kanyang siyudad. Ang Eternal na Karunungan ay nagsabi sa Eternal na
Dalaga: “Lumapit sa Akin”, nananabik sa Kanya. Pagkaraan ang Anak ng
Kapurupuruhang Dalaga ay magsasabi: “Gawin ang maliliit na bata na lumapit
sa Akin sapagkat ang Kaharian ng Langit ay sa kanila, at ang mga hindi
nagiging katulad nila ay hindi magkakaroon ng kahit anong bahagi sa Aking
Kaharian”. Ang mga tinig ay nagkakasunuran at habang ang tinig ng Langit ay
sumisigaw sa maliit na Maria: “Lumapit sa Akin”, ang tinig ng Tao ay
nagsasabi, at iniisip ang Kanyang Ina sa pagsasabing gayon: “Lumapit sa Akin
kung maaari Kang maging katulad ng mga bata”.
Binibigay Ko sa inyo ang Aking Ina bilang isang modelo.
Naririto ang perpektong Dalaga Na may dalisay at simpleng puso ng isang
kalapati, naririto ang Isa Na ang maraming taon at makamundong mga
pakikihalubilo ay hindi nagawang mapanlaban sa kalupitan ng isang naging
marumi, napilipit, huwad na espiritu. Sapagkat
ayaw Niya iyon. Halika sa Akin,
tinitingnan si Maria.
⁷Dahil nakita mo Siya, sabihin sa Akin: ang Kanya bang sulyap bilang isang
sanggol ibang iba sa isang nakita mo sa Kanya sa paanan ng Krus o sa
kasiyahan sa Pentekostes o
noong ang Kanyang mga talukap-mata ay nagsara sa Kanyang inosenteng mga mata
para sa Kanyang huling tulog? Hindi. Dito ay ang walang-katiyakan at
namamanghang sulyap ng isang sanggol, pagkatapos ito ay ang namamangha at
mahiyaing tingin ng Anunsiyasyon, at pagkatapos ang masayang sulyap ng Ina
sa Bethlehem, pagkatapos ang sumasambang sulyap ng Aking una at dakilang
Disipulo, pagkatapos ang naghihirap na sulyap ng Pinahihirapan na Ina sa
Golgotha, pagkatapos ang sumisinag na
sulyap ng Resureksiyon at ng Pentekostes, pagkatapos ang may-belong
tingin ng nagtatalik-sa-kaligayahan na tulong ng huling bisyon. Ngunit
maging ito man ay nagbubukas sa unang
tingin, o nagsasarang pagód sa huling gabi, pagkatapos na makakita ng
labis na lugod at takot, ang
Kanyang mata ay ang malinaw, puro, payapang kapiraso ng kalangitan na laging
nagniningning sa ibaba ng noo ni Maria. Ang galit, kasinungalingan,
pagmamalaki, kahalayan, poot, pag-uusyoso ay hindi kailanman naparumi ito ng
mauusok na ulap nito.
Ito ay ang mata na tumitingin sa Diyos nang may pagmamahal, ito man ay
umiiyak o tumatawa, at na para sa Diyos ito ay humahaplos at nagpapatawad at
tinitiis ang lahat, at sa pamamagitan ng pagmamahal ng Diyos ito ay hindi
kailanman masasalakay ng Kasamaan, na madalas ginagamit nito ang mata upang
mapasok ang puso. Ito ay ang puro, mapayapa, nagpapalang mata na ang puro,
ang mga santo, ang mga mangingibig ng Diyos ay mayroon.
Sinabi Ko: “Ang lampara ng katawan ay ang mata. Ang kung inyong mata ay
malusog, ang inyong buong katawan ay mapupuno ng liwanag. Ngunit kung ang
inyong mata ay may sakit, ang inyong buong katawan ay magiging lahat
kadiliman”. Ang mga santo ay taglay ang matang ito na siyang liwanag para sa
kaluluwa at kaligtasan para sa laman, sapagkat katulad ni Maria sa buong
buhay nila nakatingin lamang sila sa Diyos. Mahigit pa:
naalaala nila ang Diyos.
Ipaliliwanag Ko sa iyo, Aking munting tinig, ang ibig sabihin ng salita Kong
ito.»
(33)250510/021013/032313
¹ Baka ang tinutukoy ni Maria Valtorta ay sina Anna at Elizabeth: ang mga
bulaklak mula kay Anna bilang sina Maria at Jesus; ang kay Elizabeth, si
Juan Bautista, ang prekursor ni Jesus.