Barangay Iskolar
Scholarship Program
Ang “BARANGAY ISKOLAR”,
ay isang proyektong nagbibigay ng 6-month FREE technical /
vocational education sa mga kursong: 1. Automotive
Mechanics, 2. Massage Therapy, 3. Basic Computer Application, 4. Beauty
Care.
Mahigit na siyam na libo (9,000) na po ang nabiyayaan ng kaalaman sa
ating programa mula nang ito ay ating ilungsad kasama ang Lions
Presidents League of the Philippines (LPL). Dahil sa tagumpay ng
Barangay Iskolar, mula Ikatlong Distrito, ito ay ibinukas para sa
mamamayan ng buong Lungsod Quezon.
50% Tuition FEE GRANT
Ang “Socialized IT Education Program (SITEP)
Scholarship Grant”, ay isang programang
pang-edukasyon sa pakikipagtulungan ng Informatics Computer Institute-Cubao
na inilungsad Ang programang ito ay nagbigay ng “50% Scholarship
Grant” sa mga gustong kumuha ng kursong Advanced Diploma
in Computer Studies, Information Technology at Business I.T. mga
two (2)-year comprehensive programs na maaaring ipagpatuloy upang
makakuha ng kursong Bachelor of Science in Computer Science degree.
Bilang pagpapatuloy ng komprehensibong programang pang-edukasyon ni
Konsehal DANTE ay ang paghahanap ng iba’t ibang pamamaraan kung
paano makakatulong sa kabataan sa larangan ng edukasyon. Ito ang naging
sandigan ng pakikipagkasundo sa Informatics Cubao para sa pagbibigay ng
50% Scholarship Grant sa humigit kumulang 1,000 kabataan mula sa 37
barangays ng Ikatlong Distrito ng Quezon City.
Ang pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ay naganap sa Hansel
Arcade sa Araneta Center kasama ang Kapitan ng mga Barangay at Kagawad
Chairmen on Education maging ang Sk Chairmen.
Free English Training
Bahagi pa rin ng programang pang-edukasyon, ibinahagi ni Konsehal DANTE
para sa mga mamamayan ang “Call Center
FREE English Training”. Isang
programang nagbigay ng tatlong (3) araw na libreng pagsasanay ng
salitang English na nakaakma sa mga nais pumasok sa Call Center.
Ito ay ginanap sa sa pakikipagtulungan ng JIB e-Academy & Solutions.
Youth Entrepreneurship Program
Dagdag pa sa mga programa at proyekto ang
“Youth Entrepreneurship Program”
tuwing magtatapos ang taong panuruan kung kailan nagsasagawa ang
tanggapan ni Konsehal DANTE ng Forum sa pakikipagtulungan ng mga
paaralan upang mabigyan ng gabay ang mga kabataan sa pagkuha ng
alternatibong kurso o maging sa kolehiyo. Ito ay nasa ika-8 taon na
ngayon, ang “YEP” ay dalawang oras na pakikipagpulong sa mga
magsisipagtapos na mag-aaral ng High School. Ito ay ginaganap sa mga
pampublikong paaralan sa lungsod. Layunin nitong makapagbigay ng
mahahalagang punto tungkol sa livelihood, technical/vocational education
at college courses.
Ang “YEP” ay sa pakikipagtulungan ng Philippine Chamber of
Commerce & Industry (PCCI) in cooperation with the Office of the City
Mayor, Division of City Schools (DCS), Technology and Livelihood
Resource Center (TLRC), Technical Education and Skills Development
Authority (TESDA), AMA Computer College, Asian College of Science &
Technology (ACSAT) and Asian Pacific Group of Companies (APGC).
BOOKS FOR KIDS
Ang “Books For Kids Project”
ay handog naman ni Konsehal DANTE sa mga mag-aaral ng Day Care sa
iba’t ibang barangay kung saan siya ay namamahagi ng mga aklat at
kagamitan sa eskwela.