Sa pagnanais na mas maraming
mamamayan ang mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng dagdag pagkakakitaan,
patuloy na pinasisigla ang programang
"Kabuhayang Pinoy"
ni Konsehal Dante De Guzman.
Ang Kabuhayang Pinoy ay nanguna
sa paghahandog sa Lungsod Quezon ng serye ng
"Jobs Fair"
ilan dito ay sa pakikipagtulungan ng E-Telecare
Global Solutions na naka-base sa Libis, Quezon City.
Dagdag pa dito ay ang lalong
pinalakas na kampanya ng programa sa pakikipagtulungan ng Asian Pacific
Group of Companies (APGC), isang premyadong kumpanya na kilalang
katuwang ng Sta. Lucia Realty sa negosyo ng real estate sa Pilipinas .
Ang Asian Pacific ay may 37 na taon nang karanasan sa industriya ng
panlulupa.
Sa pamamagitan ni Konsehal
DANTE ay nananatiling bukas ang kanilang tanggapan sa mga
taga-Lungsod Quezon at sa mga mamamayang interesado sa pagbebenta ng "Bahay
at Lupa" mula sa mga proyektong hawak nito sa iba’t ibang dako ng
Pilipinas.
SANGKAP: Kabuhayan para sa Kababaihan
"Paunlarin ang pinansiyal na
aspeto ng
buhay ng mga kababaihan sa pamamagitan ng maliit na negosyo ".
Ito ang pangunahing layunin
ng SANGKAP (Sandigan Ng Kababaihan Pangkabuhayan) ni Kon-sehal Dante M.
De Guzman na itinatag noong Setyembre 13, 2004 na kasalukuyan ay may
mahigit 2,000 kasapi na.
Ang SANGKAP ay
makakaugnayan sa mga sumusunod na lugar sa Quezon City: Villa Beatriz,
Laura (Dulo), laura (Bungad), Dupax, Liwanag, Pook Dela Paz, Feria,
Visayan Hills, San Rafael, Sapang Kangkong, South Zuzuarregui, Lakas
Interior, Luzon (Area 1-9), Tandang Sora (Centro at Weather) at Sitio
Payong (Area 1 at 4).
Makapagbigay ng magandang
kabuhayan at dagdag pagkaka-kitaan para sa kababaihan sa pamamagitan ng
paglilinang ng kanilang kakayahang entrepreneurial at pagpapalakas ng
paniniwala sa sariling kakayahan ang sandigan ng SANGKAP sa pagtataguyod
ng mga programa nito.
Sa pakikipagtulungan ng First
Macrobank ay nakapagbigay ng humigit kumulang sa Php 10 milyong
Micro-Finanacing Program para sa mga miyembro ng SANGKAP na kung saan
ang mga kababaihanay binigyan ng dagdag puhunang pang-negosyo.
Katuwang din ng SANGKAP ang
Metro Manila Chamber of Commerce Development Cooperative, Inc. (MMCCDCI)
sa loan programs nito.