The Php 3.5 Million Road concreting, drainage
improvement and sidewalk rehabilitation at Harvard St., Bgy. Socorro,
Quezon City as part of the Infrastructure Development Program of
Councilor Dante De Guzman. This was followed by the Php 8.5 Million
Ipil St. and Kalantas St. road improvement at Bgy. Duyan-Duyan.
LADIES AUXILIARY BRIGADE (LAB)
Ang Kalinisan ay kayamanang pang-kalusugan. Sa Quezon
City ay may isang uri ng samahang pangkababaihan na katuwang ng lokal na
pamahalaan sa pagpapanatili ng kalinisan. Ito ay ang Ladies Auxiliary
Brigade o mas kilala bilang "LAB
ako ni Dante". Isang grupo ng kababaihan na tumutulong sa
pagpapanatiling malinis ng mga lansangan ng Lungsod Quezon.
Ang Ladies Auxillary Brigade ay itinatag noong Hulyo
2004 at ito ay binubuo ng 30 kasapi mula sa mga sumusunod na barangay :
Socorro, San Roque, E. Rodriguez, Silangan, East kamias, West Kamias,
Quirino at Proj. 4.
Bukod sa pagpapanatiling malinis ng lansangan,
layunin din ng LAB na matulungan ang mga nanay na walang hanapbuhay
upang magkaroon ng mapagkakakitaan at mailayo sila sa masamang bisyo
tulad ng pagsusugal.
Tunay na walang katulad ang mga programa at proyekto
ni Konsehal DANTE. Dahilan ito upang lalo pang palawakin ang
ugnayan upang maging mas kapakipakinabang ang mga ito hindi lamang sa
iilan kundi sa mas nakararaming bilang ng mamamayan ng Lungsod Quezon.
Magiging mas mapalad ang Quezon City kung mabibigyan ng pagkakataon si
Konsehal DANTE upang lalo pang maipapatuloy ang kanyang magagandang
sinimulain .