DANTE DE GUZMAN BIDS FOR RE-ELECTION ] [ EDITORYAL ] [ UP-Close ] [ Yamang Kalusugan ]

Programang Pangmatagalan:
Yamang Kalusugan
 

   Itinaguyod ni Konsehal Dante De Guzman ang Yamang Kalusugan Health Program” upang tugunan ang pangunahing panganga-ilangan ng mga mamamayan sa larangan ng kalusugan. Ito ay nagsimula noong 2002 at nakapaghandog  na ng iba’t-ibang paraan ng paglilingkod pangkalusugan sa Quezon City.  

   Kasama dito ang “Medical Missions” na naghandog ng libreng gamutan at pamimigay rin ng libreng gamot, “Dental Missions” na libreng pagbunot ng ngipin, “Operation Tule” na naghandog ng libreng pagtutule sa mga kabataan.    Kasama rin rito ang “Feeding Program at Administration of Vitamins” para sa mga bata at ang “Patibayin Unang Ngipin sa pakikipag-tulungan ng Pediatric Dentistry Center (PDC) na nagbigay ng libreng “Flouride Varnish” para sa mga batang 9 na buwan hanggang 3 taong gulang. Pagbibigay din ito ng kaalaman para sa mga magulang hinggil sa wastong nutrisyon ng kanilang mga anak.  

Ang “Mobile massage Therapy na nagbigay ng libreng “Back Rub Massage” para sa mga nakatatanda, mga propesyunal, atleta, mag-aaral at iba pang kasapi ng pamayanan. Nagturo ito ng pangunahing kaalaman sa pagmamasahe bilang pampatanggal ng tensyon at pagod. 

   Ang “ FREE Reading Glasses” na nagbigay ng libreng salamin sa mata para sa mga mama-mayan ng Lungsod Quezon. Kasabay nito ay ang libreng pag-eksamen sa mata upang masiguro na akma ang makukuhang salamin ng  mga mamamayang may 35-taong gulang - pataas.  

   Ang “Anti-Dengue Information Drive” na naghahatid ng libreng impormasyon sa pintuan ng mga tahanan upang makaiwas sa salot na at perwisyong dala ng Dengue,“Doblehin ang pag-ingat, panatilihing malinis ang ating bakuran para sakalusugan ng ating pamayanan. Laba-nan ang epidemya ng Dengue.” 

Dagdag pa dito ang  “Anti-Rabies Campaign” para makaiwas sa panganib ng aso sa lansangan, “FREE Emission Testing” para makatulong sa paglimita ng mauusok na sasakyan sa lansangan.

   Naging katuwang ng tanggapan ni Konsehal Dante sa mga programang ito ang tanggapan nina Mayor Feliciano “SB” Belmonte at Vice Mayor Herbert “Bistek” Bautista, PCSO, QC Health Department, Asian Pacific Group of Companies, Baygon, mga volunteers mula sa iba’t ibang ospital at paaralan sa pakikipag-ugnayan sa mga Sangguniang Barangay ng Ikatlong Distrito.           

 


Barangay Iskolar ] [ Computer Literacy Program ] [ Quezon City Hotlines ] [ Kabuhayan para sa Kababaihan ]
[ Streetlinks ] [ DMG Jingle ]
Broom Tarat-Tarat  Sa QC ] VIRTUAL Business Center sa Quezon City ]

Quezon City Links is a special publication of the Streetlinks: Collect,Connect, Friends.

This print chronicles the accomplishments of Councilor Dante M. De Guzman as a tribute to his untiring effort in fostering significant projects and programs that directly benefit the Quezon City barangays, the youth sector, the women’s sector, the young entrepreneurs, the marginalized citizens, the elderly and the whole QC community.

All rights reserved April 2007 by Streetlinks & MYK Advertising.


web design by www.listahan.org   Terms of Service
Copyright 2008